SOCIAL SERVICE MINISTRY
Our Lady of Fatima Parish
Bangkal, Makati city
Brief History
Noong taong 1992 sa pangunguna ng unang kura paroko ng OLFP na si Rev. Fr. Cesar Buhat ay naitatag ang tinatawag na W-E-S-T-Y (Worhip-Education-Social Service-Temporalities-Youth) upang pangunahan ang mga Gawain sa Parokya. Sa W-E-S-T-Y na ito unang nakilala ang Social Service Ministry ditto sa ating parokya.
Dalawa lamang ang pangunahing tungkulin ng ministry na ito noong mga panahong iyon: (a) bilang food committee ng parokya at (b) maglunsad ng gift giving project tuwing pasko taun-taon.
Ngunit noong taong 2000 ay nakilahok na ang social service ministry ng ating parokya sa mga Gawain nga Caritas Manila. Ito ay nagbigay daan upang maglunsad ng free pro-laboratory at dental services, job fair, livelihood programs, feeding program, physical therapy, at maglingkod sa mga may kapansanan.
Pangarap at Misyon
Ang pangunahing direksyon at misyon na tinatahak ng ministeryong ito ay buuin ang simbahan para sa mahihirao (to build the Churh for the poor!). Ito ay para sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay-daan sa pag-abot ng simbahan sa kapus-palad at binabalewala ng lipunan.
Mga Programa
Christmas Party for the disabled – 1992
- ito ay taunang pagdiriwang kung saan lahat ng taong may kapansanan ay tinitipon upang bigyan ng saya at kalinga sa pamamagitan ng mga palaro, libreng serbisyong medical, atbp.
Reflexology for free
- ito ay paghahandog ng librang masahe sa mga napapagal ang katawan. Ang mga reflexologists ay mga volunteer mula sa iba’t-ibang institusyon at paaralan.
Gift-Giving – 1992
- ito ay taunang ginagawa tuwing Pasko kung saan namamahagi ang parokya ng bags ng grocery para sa mga nangangailangan na parishioners. Ang mga ito ay nagmula sa mga donasyon ng iba’t-ibang tao at mga alay ng iba’t-ibang organisasyon tuwing Banal na Misa
Job Fair – October 2004
- ito ay nagbibigay ng pagkakataon o oportunidad sa mga kapatid nating walang trabaho upang makahanap at makapasok sa mga bakanteng trabaho na inihahandog ng iba’t-ibang institusyon at kompanya.
Feeding Program – April 2004
- ito ay paghahandog ng libreng pagkain sa mga bata na sumusunod sa isang diet upang malabanan ang malnutrisyon at pagkakaroon ng sakit.
Libreng Seminars
- ito ay libreng panayam o talk na hinahandog ng iba’t-ibang eksperto na kani-kanilang linya. Merong mga seminar tungkol sa austism, food processing, cooking, hair science at iba pa.
Prison Ministry
- ang ministeryong ito ay tumututok sa mga pangangailangan ng ating mga kapatid na nasa preso. Dinadalaw at kinakamusta ang ating mga kapatid roon at nagdaraos ng programa para sa kanila.
Aerobics
- ito ay ginaganap sa 5th floor n gating parokya kung saan nag-eehersisyo ang mga gustong sumali para sa pananatili ng kagandahan at kalusugan ng katawan.
Recruitment Month
- ito ang buwan kung saan ang social service ministry ay nagrerecruit ng mga bagong miyembro sa sasali sa iba’t-ibang organisasyon sa ating simbahan.
Parish Census Month
- ito ay ang buwan kung saan ang social service ministry ay umiikot sa buong kunasasakupan ng parokya upang magsagawa ng census para malaman ang bilang ng populasyon ng mga Katoliko sa ating simbahan.
Scholarship Programs 2005
- ito ay paghahandog ng libreng pag-aaral sa tulong ng Caritas Manila ng mga estudyante (ekementarya, haiskul, o kolehiyo) na hindi kayang pag-aralin ng kanilang mga pamilya at may marking karapat-dapat para sa isang skolar.
Medical Examinations
- ito ay taunang ginaganap sa tulong ng Pro Laboratory service kung saan pwedeng magpatingin ng kalagayan ng kalusugan sa mababang halaga at meron ding buwanang libreng patingin ng blood sugar sa parokya tuwing huling Biyernes ng Buwan.
Mga Namumuno
1. Kura Paroko:
Rev. Fr. Domingo G. Asuncion
2. Overall Coordinators:
Baby Geraldino
Deo Baliton
3. Assistant Coordinator:
Kiko Pelacio
4. Secretary:
Christina Lopez
5. Treasurer:
Techie Sangalang
Mga iba’t-ibang Committees
1. Disabled & Specially Gifted:
Amie Ochoa
2. Physical Fitness:
Lita Pamatmat
3. Health:
Dr.. Calixto & Dra. Ma. Lourdes Salud
4. Prison Apostolate:
Marietta Madrid
5. Feeding Program for Street Children: --
6. Para-Legal: --
7. Emergency Relief:
Lito Sorallo
8. Conservation & Preservation of Environment:
Naty Jharling / Marlyn Sabater
9. Urban Rehabilitation:
Ella Balane
10. Migrants:
Fred Ochoa / Raquel Peña
Physical Fitness Members:
Au Matienzo
Belle Nobleza
Remee Diaz
Tess Baculi
Edna Gloriani